Love Tumblr Themes
stronger than ever
that chick

haha. isang sobrang nakakapagod na araw. as in sobra. tapos nakakastress pa. opening ng basketball nasa parada biglang ulan tapos naaksidente pinsan ko dahil sa camera ko at may bonus pang suntukan sa first game. kinulang pa pagkain mong binili para sa mga tao kaya sa gitna ng laro ay umalis ka paatras at nabalaho ka pa nang talagang umiikot sa putikan sasakyan mo. ang saya. grabe.

sa aksidente pa lang mabigat na loob ko. tapos naiisip kong tumawag sa isang taong bangus, sobrang matinik pagdating sa chicks. gentleman kasi yun. baka sakaling mapagaan loob ko. e kaso di nga pala ko that chick ayun hahaha di kumikibo ang loko. sakit kaya. XD

tapos yung mahigit 40 na tao nasa paligid mo kaya pinipigilan mobg umiyak kaso di mo na napigilan. at lalo ka pang naiyak na sa mahigit 40 na yun, wala man lang nagtanong kung kamusta ka at bakit ka umiiyak. lalong sakit nun! haha pero sanayan lang. sige na nga aaminin ko na. kahit paulit ulit nangyayari yun nasasaktan pa din ako. na sana sobrang pinigil mo pa luha mo kasi mas maluluha ka lang pag nalaman mong wala silang pakialam sayo. hahaha!

sana mas maging matatag pa ko. para kahit tumanda ako magisa kakayanin ko. sana mas maging matapang pa ko para di na ko iyakin. sana maging bato na lang ako para wala na kong sakit na mararamdaman kahit kailan. pero eto the best: sana may nagtatanong na lang sakin kung ok lang ako XD ambisyosang chaka doll lang. di ko naman dinadown sarili ko. tinatanggap ko lang yung totoo. para ano at ano pa man handa ako. :’)

ang dream boy ko architect :DD

warning: wala naman talagang kinalaman si boss dito. sadya lang talagang archi pinapangarap kong makasama habangbuhau :)

ayoko ng engineer. e kasi engineering na din tatapusin ko. competition lang yun sino mas magaling: ME vs the world. haha. magpapagalingan lang kayo. kesyo mas magaling mga ECE o CE o EE o IE etc. kesa sa mga ME kasi daw mas mahirap. lalong ayoko ng ME din. magpapataasan lang yun ng sweldo. nakakababa daw kasi ng pagkalalake ang mas mataas sweldo ng babae. although di pa ko graduate e pipilitin ko naman kaya ngayon pa lang pinoproblema ko na yan. hahaha!

ayoko ng doktor o nurse. baka idissect ako ng buhay. hahaha! joke. on-call kasi 24/7. tipong nasa gitna kayo ng tulog nyo biglang sinugod sa ospital pasyente nya. tapos laging busy. hahaha. kaya ayoko sila.

ayoko ng lawyer. debate lang mangyayari mapride at masatsat di ako eh. madahilan. isa pa mabahingan ko lang baka idemanda na ko. e wag na lang pucha. hahaha XD

ayoko ng businessman. puro pagpapayaman nasa isip nun. isa pa mga katulad nila di generous. kasi iisipin muna nila pakinabang nila. tapos pagkakaperahan. tsaka yung napapanood ko sa tv yung handa silang makipaglandian sa client makuha lang deal. ma no other woman pa ko. hahaha!

ayoko ng psychologist. di ako makakapagsinungaling. hahaha. bawat kilos o galaw ko alam. e ayoko nun. hahaha. isa pa baka bigla na lang ako idiagnose ng depressed ka eka.

ayoko ng teacher o prof. dalawa pamilya nya. magiging magulang din kasi sya sa mga anak nya. ang hirap lang baka magkahanap sya o matempt sya sa “anak” nya hahaha tsaka madami masyado nakakasalamuha XD selosa ko eh.

ayoko ng piloto baka iwan ako sa ere bigla HAHAHA.

ayoko ng gym instructor o fitness expert. siguradong puro damo at isda kakainin namin araw araw.

ayoko ng chef. tataba ako lalo. hahaha. isa pa magastos sigurado lagi ang list ng grocery. hahaha. isa pa bala maingay sila katulad ni boy logro XD

ayoko ng pulis o sundalo. di ko alam kung buhay pa ba hinihintay ko.

ayoko ng IT specialist o programmer. sigurado kasi gamer yun. e ang mga gamer mainitin ulo XD hahaha tska baka mas mahal nya PC nya kesa sakin.

ayoko ng artist. magagalit ako pag nag nude painting sya at di ako subject nya. magagalit din naman kasi ko kung ako. hahaha!

ayoko ng accountant. baka sa bandang huli ako lumabas na walang kwenta. hahahaha.

ano pa ba? hmm punta na tayo sa kung bakit archi gusto ko. :))))))

sanay kasi sila sa puyatan. sa walang tulugan. handa akong matulungan sya sa mga maitutulong ko halimbawa sa air conditioning system ako na bahala dun. basta lang sa gabi ako haharapin nya at ako pagpupuyatan nya. XD

architects are artists. they go beyond a client’s expectation. yung pangarap ng client mas napapaganda pa nila. plus with safety. tipong di sila gagawa ng bahay na mauuntog ako. isa pa sila nagdedesign ng house. gusto ko isang architect din ang magdesign ng magiging home ko :)

idol ko kasi ate ko. architecture tinapos nya. grabe. imba nung mga scale model na ginagawa ng mga estudyante ng archi. pero nung bata ako ginagawa ko lang talaga yung doll house. hahaha. imba kaya. first year pa lang dami ng major. haha.

isa pa ang archi at engg di nagkakalayo pero di pareho. mutual. related. ganun. hahaha. yung di din kayo di pantay ng taon ng pinagaralan. parehong 5yrs din. hahaha. tapos yung di ka nya mapagmamalakihan na mas matagal ako nagaral mas magaling ako at di din sya magiging inferior na mas matagal engg ng isang taon. :DD

frustration ko ang magandang bahay. di pangit bahay namin pero di din kasi ganun kaganda. hahaha. kaya gusto ko yung uuwian ko e feel na feel ko na at home ako. tsaka laging ako yung nanganga sa magagandang bahay kaya pangarap kong ako naman may ari nung ngangangahan. hahaha :))

malas mo lang archi ka. haha. XD

BOSS GISING!

magkasama kasi kami sa sk. e me project kami na bibong bibo ang loko. kaya eto ang conversation

ako: boss anong oras ka ba nagigising?

sya: anong oras ba gusto madam?

ako. e wala naman. baka lang kasi tignan yung court ng 7 am. pero kung di mo kaya ok lang. hahaha!

pero sa loob loob ko lang:

boss gumising ka sa oras na maramdaman mong gusto kita. gusto ko gumising ka sa oras na ako na yung katabi mo. HAHAHAHAHAHA!

BRACE YOURSELVES. MAY BAGO NANAMAN AKONG PROSPECT. XD
PRAISE THE LORD :DD

hahaha. daming kong tawa lately. ewan ko ba. yung iba tinatawanan ko na lang talaga. yung iba nakakatawa talaga. basta masaya ko. at pinipilit ko imaintain yun. :DD

ok naman ako sa grades. ok naman ako sa bahay. ok naman ako sa ibang bagay. syempre may mga bagay na tinatanggal sa sistema. medyo mahirap pero ok lang. nagagawa naman. ako pa. ginusto ko kasi. kaya nagagawa ko. sana kasi gustuhin kong mag aral para lagi mataas grades ko hahaha!

mga kaklase ko heheavy ng problema. ako problema ko lang yung external kong sira. tsaka pala pano papanitilihin sa half full yung fuel tank ko. hahaha! buti na lang e kahit lukaluka ko e wwala naman akong ginagawang masama kaya di ako kakabakaba at iiyakiyak pagkatapos. kasi iniisip ko muna mabuti ang mangyayari bago ko gumawa ng kalokohan. ayun malinos ang mga krimen ko :DD

isa pa pala. pera. imba dami ko pera lately pero syempre ubos na. di na kasi ako sanay ng me pera. kaya pag meron pinapagas ko kagad o di kaya pinapawax ko si honey. binibili ko na din yung ibang kailangan o di kaya gusto ko. o di kaya nanlilibre ako. dahil naniniwala akong the best things in life are not free. they are just priceless. hahaha! kaya lagi ako penniless XD

sana laging ganito. thank you LORD :DD

pampered baby and honey :)))

weekend. wala na kasi kong pera. e sakto nakuha ko sweldo ko sa sk. hahaha. 4k din yun. pero syempre ipinampalit ko na sa pera ng org na ginamit ko hehehe. tapos yung pamangkin kong haling sa sm nagyaya. e alam na! hahaha. binili ko yung mga gusto ko namatagal ko ng gusto pero di ko mabili kasi wala kong pera. beret, pabango tsaka shades. hahaha. pero lahat sila low budget lang. low lang din kasi budget ko eh. 

pauwi naisip ko magpagupit. tinry kong yayain si ate. gora! hahaha. ayan bagong gupit ako. layered. :D pero nahahabaan pa din ako. gusto ko pa pabawasan pero ok na yan. hahaha. baka makalbo na ko.

paguwi sarap ng ulam. boneless tinapa. oh my goooood. hahaha. naubos ko yung kalahati nung bangus. pero maliit lang kasi yun. siguro isang dangkal ko. hahaha. sarap imba. sabi ni ma bukas ka ng itlog na pula. sabi ko ma please! wag na! malalakas kain ko. HAHAHAHAHA.

ngayon naman sunday, maaga kami ginising para sa panata ni ma na magpunta ng biglang awa sa pulilan pag fiesta doon the sunday after the ash wednesday. madaming masasarap ni binebenta don. syempre dahil kasama ko si ma tinanong na ako agad oh ano ba gusto mo? sabi ko ma sa plaridel na lang tayo bili mo ko madaming fish cracker. hahahaha! si ate naman sabi e simba muna tayo. tsaka palang tayo magpalengke ng plaridel. ayun pagdating sabi ko ate bili mo ko cheesesticks ha. ayon! hahahaha. nakadale nanaman ako ng kalahating kilong fish crackers, mani, at cheesesticks. spoiled nanaman si boss sa pagkain!

paguwi si ma bumubunot sa wallet. e dahil walang hiya ako sabi ko, ma baon ko. e wala kong pera e. eto na lang muna. binigyan ako 350. e madaming extrang pera sakin. ayun! hahahahaha. si honey naman pinamper ko. pinagasan ko 500. umangat naman yung gauge awa ni lord. hahaha. tapos derecho pawax kay honey. hindi brazilian wax ha. XDXDXDXD hahahaha car wax :)) imba tagal. sabi ko pa. boss car wash at wax po. e mam eka magkasama na yon. HAHAHAHA. pano ka nga naman mawawax ng nanlilimahid di ba? hahaha. ayon. kinis ni honey. kaso e lumabas lahat ng gasgas :))))))

ngayong hapon dapat babayaran ko na yung tshirt na gusto ko. e naiintimidate ako dun sa chakang bakla sa bpi sa walter. kaya umtras ako sa monday na lang ako pupunta bpi. XD kaya naman binili ko na lang yung kleenex ng antibac wipes na trip na trip ko di ko alam kung bakit. binili ko sya kahit ang mahal nya XD plus my ever favorite choco mallows! :DD na naubos ko na T_T hahahaha saya talaga.

ngayon naman magdadown na kami para sa camera na gusto ko. grabe. napakasaya mabuhay. hahahaha! pag talaga bright side lagi tinignan mo lumiligaya. bagong buhay na ulit. :D yung iniyakan ko nung mga nakaraang araw napawi na lahat. at as usual pamilya at mga kaibigan kong pumawi non lahat. LORD THANK YOU!

iba talaga mga nanay. laging may solusyon sa lahat ng problema ng mga anak :DD

iwanan daw ba yung susi ng sasakyan sa loob matapos ilock lahat ng pinto tapos yung spare key non ay nasa bag ni ma na nasa loob ng kwarto na nakalock at yung susi ay kasamang nalock sa loob nung sasakyan tapos yung spare key naman ng kwarto ay nasa loob din ng bag ni ma. lesson: dapat lagi nasa labas bag ng mga nanay. XD ambobo ko talaga for the fourth time :DD

pero syempre dahil love ako ng nanay ko, at siguro naisip nya na yong mga ganong problema bago pa ko ipanganak ay may spare key pa sya sa opisina nila na araw araw bukas. imba! as in! hahaha. nagulat ako. iiyak na ko e. kasi hirap na hirap na ko abutin yung bag nya sa bintana. punta na lang eka tayo shell. don me susi pa ko. sabi ko, nasakin yung isa, nasayo yung isa pa. di ba laging dalawa ng ang pasunod na susi? AT NAPAHIYA AKO. KASI MAY ISA PA PALA SYA. HAHAHAHAHA. :)) sabi ni ma. di ba hindi pa naman napalitan yung door knob nun? sabi ko di pa. yung dalawang kwarto napalitan na pero yan di pa. shoot! HAHAHAHAHA. AT ME SUSI PA NGA SI MOMMY. grabe. tuwa ko lang. hahahaha!

ibang klase talaga nanay ko. girl scout siguro to nung kabataan nya. HAHAHA. LOVE YOU MA! YOURE THE BEST!

iniiwasan kong tignan profile mo sa fb. hanggang sa di ko natiis. hahaha. ngayon mas may dahilan na ko para kalimutan ka. :))))))

buti na lang talaga nakita ko yun. haha! para masaya. para mas makamove on ako. hahaha. nailabas ko na yung sama ng loob ko kahapon. kailangan ko na lang mabuhay sa paraang nung di pa kita nakikilala :)) salamat ulit. hahaha. sana tuloy tuloy na to. panong di sasama loob ko, dre alam mo ba yung effort? yun yung di ako makatext sa sun pero nagreply ako sa globe kahit wala na kong pera panload. dapat talaga kasi inunahan na kita ng wala kong load e. hahaha! para tuloy gusto ko na itapon sun ko XD oo ganon kasama loob ko sayo!!!!!!!!! pero naiintindihan naman kita kasi di mo naman alam nararamdaman ko para sayo. at hinding hindi naman magiging pareho ang nararamdaman ko para sayo at ang nararamadaman mo para sakin. o pano. goodbye na? hahaha